• Print

WOW NA NOW!
Magandang balita para sa ating mga magsasaka!
Itinaas pa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang presyo ng palay na bibilhin nito mula sa mga rice farmer sa halagang P27.00 kada kilo. Hinihikayat ni Gov. Rodito T. Albano III ang mga magsasakang Isabeleño na ipagpatuloy ang pagbebenta ng kanilang mga palay.
Sa ngayon, ang PALAY BUYING CENTER ng Pamahalaang Panlalawigan ay sa NPGC White Triplex Warehouse, Brgy. Sinabbaran, Echague, Isabela.