“This governor may be an exception. He welcomes LSIs and OFWs into his province even if they are COVID-positive. He said they will take care of these kababayans from his province when they arrive at the province and will use provincial funds if the national government cannot provide them. If need be, he will solicit donations. The provincial government will bring these COVID positive LSIs and OFWs into quarantine centers and hospitals and will have them treated until they are cured. I caught the interview of Susan Enriquez with Governor Albano of Isabela early this afternoon over DZBB AM radio. While this may be a traditional politician antic, I have not heard of any other LGU executive who welcomes COVID positive LSIs and OFWs with open arms.” Ito ang obserbasyon ng isang netizen sa mga hakbang at programa ni Gov. Rodito T. Albano III upang tugunan ang COVID-19 crisis sa lalawigan.

 

Nilinaw ni Gov. Albano na bagama’t tinatanggap ng lalawigan ng Isabela ang mga Locally Stranded Individuals (LSIs) at Returning Overseas Filipinos (ROFs), sila’y sumailalim sa Rapid Test sa Metro Manila bago pinapayagang makauwi sa Isabela at muling isasailalim sa isa pang Rapid Test pagdating sa border checkpoint sa Cordon, Isabela.

Binigyang diin ng gobernador sa panayam sa kanya ni Susan Enriquez sa programang Super Radyo DZBB kahapon na mahigpit din aniyang ipinapatupad ang mga health protocols kagaya ng pag-isolate at 14-day mandatory quarantine sa kanila sa Provincial o LGU quarantine facilities bago sila tuluyang makakauwi sa kani-kanilang tahanan.

Matatandaang walang pag-alinlangang personal na sinalubong ni Gov. Albano ang mga dumating na LSIs sa border checkpoint sa Cordon, Isabela noong July 7, 2020 upang ipakita ang kanyang pagmamalasakit sa mga kababayang Isabeleños. Kabilang sila sa mga displaced workers, mga magulang at mga estudyante na na-stranded sa Manila, Batangas, Baguio City, Pampanga at Ilocos. Sila ay dumaan muna sa triaging, medical check-up at iba pang health protocols.

Sinusuportahan din ni Gov. Albano ang Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program at Hatid Tulong Initiative ng national government na may layuning mabigyan ng libreng sakay pauwi sa kani-kanilang probinsya ang mga LSIs kabilang na ang mga estudyante, manggagawa at ROFs na naabutan ng community quarantine sa Metro Manila.

#WeHealAsOne