“Ang BRO program ay naisulong noong 2010 pa, almost 11 years na po, na ang provincial government ay tinutukan ang kapakanan at kinabukasan ng kabataang isabeleño dito sa lalawigan ng Isabela. Ang paniniwala kasi namin ni Kuya Gov na sa pamamagitan ng mataas na edukasyon makakarating ang ating mga kabataan sa mas magandang kinabukasan at maiaangat nila ang antas ng kabuhayan ng kanilang pamilya at ng kanilang mga sarili, kaya naman pinagsisikapan ng ating provincial government na matugunan itong programang ito, upang makapagbigay ng ganito karaming scholarship grants sa isang probinsiya”.

Said Vice Governor Bojie in his message before the scholars at Isabela State University Gymnasium Echague during the distribution of educational allowance to the BRO-Ed Scholars yesterday (January 20, 2021) at the towns of Alicia and Echague where Governor Rodito T. Albano III, Vice Governor Faustino “Bojie” G. Dy III, Mayor Joel Amos P. Alejandro of Alicia, Vice Mayor Amador A. Gaffud Jr. of Echague and local officials handed the cash and rice to 1,287 scholars in the distribution program held in separate venues. In his message, Governor Rodito, emphasized the importance of giving and sharing to help others which is pursued by the provincial government. “Alam niyo kung bakit ito ang proyekto na gusto namin dahil yung tatay ko iskolar yun dati, kasi kapag gusto mong mag-aral kailangan mong magpursige para magkaroon ka ng scholarship. Kami naman ay gumagawa ng mga programa para makapagbigay ng mga scholarship sa inyong mga estudyante. Ito ang kahalagahan ng pag-aaral dahil kung iisipin mo halimbawa yung tatay ko kung hindi siya nagsikap na mag-aral hindi kami magiging ganito ngayon. Kaya yun ang naging puhunan niya at ganun rin kayo. At saka kung gusto niyo pang ituloy ang inyong pag-aaral after ninyong mag kolehiyo, tutulong parin ako sainyo. Kung sino man ang gustong maging abogado, doctor, o kumuha ng masteral, nandito kami na tutulong sa inyo. Ang gantimpala o biyaya na bigay ng Poong May Kapal ay dapat itulong sa mga taong nangangailangan. Kaya ang hinihingi ko sa inyong lahat magsabi kayo kung ano ang mga pangangailangan ninyo at magdala kayo ng mga taong gustong mag-aral” he said.


#WeRecoverAsOne