SOPA

Ulat ni Bro 2014: Apat na Taong Pagkalinga at Pagpupugay sa Isabeleño

The State of the Province Address of the Honorable Governor

Faustino G. Dy III

22 July 2014

 

Ang nakalipas na apat na taon ng pamamahala ng pinagsamang DY-ALBANO ay naghatid sa atin sa natatanging okasyong ito, na isang maningning na kabanata ng

kasaysayan ng ating mahal na lalawigan ng Isabela - isang panahon ng pagtatamasa ng kasaganaan, katatagan, kapayapaan, at panibagong pagasa. Natamo natin ito dahil sa inyong tulong at pakikiisa. Kayo ang nagbigay sa amin... ng pagkakataon ipakita ang aming katapatan sa pagbibigay kalinga sa mga Isabeleňo sa bawat sektor ng ating lipunan.

Sa pagbubukas ng aking ULAT, nais ko po munang ipadama ang aking PASASALAMAT at PAGPUPUGAY sa aking partner sa Provincial Government, kagalang-galang Bise Gobernador TonyPet Albano, na walang sawang sumusuporta sa lahat ng mga polisiya, programa, at proyekto natin, at ang mga kasamahan niya sa Sangguniang Panlalawigan na tumutulong para maipatupad natin ang ating layunin sa Isabela.

It is very important that I acknowledge here and now the hardwork and contributions of my official family and partners within the Provincial Government.  Sa ating tagapangalaga ng pananalapi na sina Budget Officer Elsa Pastrana, Treasurer Ma. Theresa Araneta-Flores, at Accountant Pete Gerald Javier, Maraming salamat sa inyong di-matatawarang suporta sa ating mga programa at pagbabantay para mapanatili natin ang ating katatagan at magandang pangangasiwa sa ating pananalapi. 

Maraming Salamat sa ating Agriculturist Danilo Tumamao at Veterinarian Dr. Angelo C. Naui sa pagtiyak ng kasapatan sa pagkain at pangangalaga ng ating mga hayop dahil dito ay naiangat natin ang antas ng kabuhayan ng ating mga magsasaka.

Maraming salamat sa ating Health Officer Dra. Rita Mariano, Healthcare Manager Manny Acierto, at sa lahat ng mga hepe ng ating mga ospital. Isang malaking pasasalamat din po sa ating Environment and Natural Resources Officer Geronimo Cabaccan sa inyong mga pagsisikap na mapanatili ang kalusugan at kagandahan ng ating kapaligiran, ganun din sa ating Disaster Action and Response Team o DART 831 at sa ating Provincial Public Safety Officer Atty. Constante Foronda sa pagsulong ng kaligtasan ng ating mga ka-lalawigan.

Maraming Salamat sa ating Social Welfare and Development Officer Manang Lucy Ambatali, at sa ating Cooperatives Development Officer na si Lilia Castillo sa inyong mga serbisyong maiangat ang kalagayan at kabuhayan ng mga nangangailangan sa ating lipunan.

Maraming salamat sa ating Legal Officer na si Atty FJ Meer, Assessor Gil Baretto, Information Officer Jessie Geronimo, at Planning and Development Coordinator Nestor Salvador, Tourism and Investment Promotions Officer Atty. Ompong Cabantac, at Provincial Warden Emelito Marquez para sa lahat ng inyong ambag at suporta para lalong maisulong ang ating mga programa at maipakita ang katatagan ng ating ekonomiya at pangangasiwa sa ating nasasakupan. 

Maraming Salamat din po kay GSO Bobot Sawit, Provincial Engineer, si Apo Tony Aggari, at ang ating Compound Manager, Si Alfredo Mendoza, sa pagsulong ng ating kahandaan sa lahat ng pangangailangan ng mga proyekto ng Kapitolyo. 

And last but not the least, ang Iagi kong inaasahan sa anumang oras ng pagtawag ng mga nangangailangan na laging nakahandang maglingkod at umaksyon sa mga hinaing. Ang Ating Provincial Administrator, Salamat Atty Noel Lopez.

Nagpapasalamat din po ang inyong lingkod sa lahat ng KAWANI ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela at Local Government Units na kumakatawan sa lahat ng barangay, siyudad at bayan sa Isabela, at sa lahat ng Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholars, purok leaders, tanod at lahat ng barangay-based-workers na patuloy na umaalalay sa lahat ng ating programa at proyekto.   Kinikilala at pinasasalamatan din natin ang Philippine Crop Insurance Corporation, NFA, Philhealth, PNB, at SSS na siyang mga partner natin sa implementasyon ng ating BRO Farmer Assistance Program.  Taos-puso rin tayong nagpapasalamat sa PNP, sa Philippine Army, LTO, Red Cross at ibang NGOs, ang Bureau of Fire, at DENR, sa mga miyembro ng IGLO, Filipino at Chinese business community, akademiya, at lahat ating partner universities at colleges sa ilalim ng BRO Program, ang mga pribadong hospital at lahat ng partner hospitals natin sa ating HealthCare program,… at kay Most Reverend Bishop Joseph Nacua at ang mga ibang kinatawan ng religious sector para sa lahat ng kanilang ambag na tulong at partisipasyon sa lahat ng programa ng Provincial Government.

Maraming salamat din po sa NIA-MARIIS sa aktibo ninyong pakikipagtulungan sa Provincial Government sa mga programang patubig at sa mga hakbang para maibsan o maiwasan ang masamang epekto ng Climate Change.  Maraming salamat din po sa mga national at local government agencies na nakatalaga dito sa ating lalawigan na laging sumusuporta sa lahat ng alituntunin ng ating lalawigan.

Malaking pasasalamat din ang nais nating iparating sa Department of Education sa pakikibahagi nila sa lahat ng ating programa at proyekto para sa kabataan, kalusugan, kalikasan, at maging sa kahandaan sa panahon ng disaster o kalamidad.  Kung maaari lang po sana na mapagbigyan tayo ng DepEd at magbigay ito ng pagkakataon na maging bahagi ng kurikulum ang pagtuturo ng Disaster Risk Reduction and Management o Disaster Preparedness, kahit 15 minutes lamang sa bawat araw sa loob ng klase, nang sa gayon ay mas mapalawig pa natin ang konsepto at pang-unawa ng ating mga kabataan tungkol sa kahandaan sa panahon ng kalamidad.  Maraming Salamat in advance sa DepEd.

Ang nakaraang apat na taon ay maituturing na panahon ng katapangan at katatagan sa pagharap sa mga suliranin sa ating lalawigan, mula sa agrikultura, edukasyon, kalusugan, kalikasan, at kaayusan at kapayapaan.  Panahon ito ng pagbabago at pagkamalikhain natin sa pagbibigay solusyon sa mga ito.  Ikinagagalak kong ipabatid sa inyo  na dahil sa inyong pakikiisa at pagtitiwala sa Dy-Albano Administration,... dahil sa inyong mga ibinuhos na lakas, talino, sipag, at pagmamalasakit, pagmamahal at positibong pananaw ... ang Provincial Government at ang lalawigan ng Isabela ay humakot ng napakaraming parangal, .... mga pagkilala para sa Good Governance, at galing at lakas ng Isabeleno   kabilang na ang:

1. 2011  SEAL OF GOOD HOUSEKEEPING for Good Governance and Sound Fiscal Administration

2. 2012 SEAL OF GOOD HOUSEKEEPING

3. 2012 & 2013 MOST OUTSTANDING ANTI-RED TAPE ACT IMPLEMENTER in Region 02..    ito ay matapos ang  matagal na panahon ng hindi  pagpapatupad ng  batas na ito sa buong Kapitolyo at LGU-Isabela

4. 2011, 2012, and 2013   NATIONAL FINALIST in the Search for Most Business Friendly LGUs

5. 2013 GAWAD KALASAG SEAL OF DISASTER PREPAREDNESS (REGIONAL level)

6. 2012 BAKAS PARANGAL NG KADAKILAAN by Office of the Civil Defense

7. 2012 NATIONAL WINNER OUTSTANDING LOCAL COOPERATIVE DEVELOPMENT OFFICE   (First Place)

8. 2013 OUTSTANDING LOCAL COOPERATIVE DEVELOPMENT OFFICE - Nationwide   (Second Place)

9. 2012 OUTSTANDING LOCAL COOPERATIVE DEVELOPMENT OFFICE in Region 2 mula sa Cooperative Development Authority

10. 2013 REGION 2 GAWAD PARANGAL OUTSTANDING LOCAL COOPERATIVE DEVELOPMENT OFFICE

11. 2011 CHAMPION PROVINCE GAWAD SAKA REGIONAL LEVEL

12. 2012 NATIONAL RICE ACHIEVERS AWARD

13. 2013 NATATANGING LALAWIGAN National Quality Corn Achievers Award

14. 2011, 2012 and 2013 NATATANGING LALAWIGAN - AGRI PINOY RICE ACHIEVERS AWARD

15. TATLONG TAONG SUNOD-SUNOD na pagkapanalo natin ng REGIONAL TOP LOCAL REVENUE EARNER for Highest Collection Efficiency-Province Category

16.   2011 REGIONAL TOP LOCAL REVENUE EARNER - Province Category

17.   2011 REGIONAL TOP LOCAL COLLECTOR on Economic Enterprises for Highest Collection Efficiency Province Category

18.   2011 REGIONAL TOP LOCAL COLLECTOR of Fees and Charges

19.   2014 – Regional Awardee CDA Gawad Parangal Most Outstanding LGU – Cooperative Development Office

 

… at noong Setyembre 2013 ang Isabela ay hinirang bilang PROVINCE OF CHARM sa 10th China- Asean Exposition  na ginanap sa Nanning, China.  Hindi na lamang po ang national government ang kumikilala sa atin.  Maging sa ibang bansa ay sikat na po ang mayamang ekonomiya at kultura ng ating lalawigan. Palakpakan po natin ang lalawigan ng Isabela.  

KALINGA SA MAGSASAKA

Sa nakaraang apat na taon ay namalas ng marami ang galing at lakas ng Isabeleño, nalagpasan pa natin ang dating kontribusyon sa ekonomiya at rice supply,  sa food security, at sa countryside development.  Sa katunayan, dahil sa estado ng katatagan ng ating ekonomiya, madalas tayong nakakatanggap ng mga imbitasyon mula sa Senado at Kongreso upang tayo ay maging Resource Person at makapag-ambag sa pagbibigay- solusyon sa pagkakaroon ng sapat na pagkain sa hapag ng bawat Pamilyang Pilipino.

Bukod sa pananatili natin bilang Top Corn Producer at Biggest Rice Supplier sa Pilipinas, napangalagaan natin at patuloy nating kinakalinga ang ating mga magsasaka at sektor ng agrikultura.

Pinagsikapan at lalo pang pinagbubuti ng ating Provincial Government na mabigyan ng solusyon o kasagutan ang mga pangunahing problema at pangangailangan ng ating mga magsasaka. So we were able to address the most urgent problems of our 103,000 small farmers who till a total of 83,000 hectares of productive land. Katulad na lamang ng paghihirap nilang bumangon pagkatapos ng bagyo, pangangailangan ng ayuda laban sa pagtaas ng mga presyo ng bilihin at gasolina. Idagdag pa ang hirap sa pagpapaaral sa mga anak sa kolehiyo, pagpapagamot sa tuwing magkakasakit ang sinumang miyembro ng kanilang pamilya, mga biglaang gastusin, at dagdag na kita at oportunidad pang kabuhayan, lalo na kapag mahina ang ani o mahaba ang tagulan o tagtuyot.

We want our farmers to feel good about their role in our economic development.  We want them to be inspired and to feel that their Provincial Government cares for them and for their families. Dahil pagdating sa food security at supply ng de kalidad na bigas, at dahil napakaraming industriyang umaasa sa ating primera klaseng mais, ang tibay at kasipagan ng ating mga magsasaka ang sinasandalan ng Isabela at ng malaking bahagi ng ating bansa. Muli, ang aming taos pusong pasasalamat sa ating mga magsasaka. Palakpakan po natin sila.

We want to assist our farmers in developing alternative livelihood sources, especially now that the government policy is towards modernizing and mechanizing agriculture and farming methods.  Kaya naman para hindi mawalan ng dagdag kita ang ating mga magsasaka dahil sa mga modernong post-harvest facilities, ipapasok po natin sila sa TESDA para matuto ng pagmemekaniko at pagwe-welding, upang sa gayon ay sila na ang mga gagawa sa mga nasirang makina na gamit sa pagsasaka at pagpapatuyo ng bigas at palay.

Mula noong 2012 na ipinatupad natin ang BRO AGRICULTURE PROGRAM, mayroong nang 143,262 farmers at mga kooperatiba na lumahok at napaglingkuran sa ilalim ng BRO FARMER ASSISTANCE PROGRAM at sa mga labing-isang component projects nito.

Dahil sa malaking tagumpay ng ating BRO Program, marami pong mga kumpanya at grupo ang gustong sumakay sa ating programa.  Ikinagagalak ko pong ipaalam sa inyo na ang isa pong napupusuan nating bagong makapartner ay ang Home Development Mutual Fund o ang PAG-IBIG. Sa ilalim po ng papasukin nating kasunduan, paghahatian ng lalawigan at mga magsasaka ang buwanang hulog na 100 pesos. Matapos ang dalawang taon ng pagbabayad, maaari ng makinabang ng ating magsasaka ang naipong kontribusyon sa pamamagitan ng pensyon para sa mga retirado, nasawi at hindi na makapagtrabaho, pautang at pahiram na halaga upang makapagpatayo ng sariling bahay.  Inihahanda na po natin ang lahat ng dokumentong kailangan para maumpisahan na ang pagbibigay ng benepisyong PAG-IBIG sa ating mga magsasaka.

I am happy to report to you that the BRO Program is being effectively implemented to the satisfaction of our farmers. 

As of April 2014, College scholars from farming families now number 10,000, or more than half of the total number of scholars of the Provincial Government.  8,150 hectares of farmland tilled by 10,500 farmers across Isabela are now insured with the Philippine Crop Insurance Corporation. 2,360 farmers have been motivated to sell almost 4 million pesos worth of produce to NFA-Isabela because of the transport expense subsidies granted under the BRO Pantawid Pamasahe and Ayuda sa Presyo Programs.

These components of the BRO Small Farmer Program have the most immediate national significance because the national government requires from Isabela a volume quota to prevent rice shortage in Metro Manila and nearby provinces, and to stabilize the price of rice in the country.

Our Small Farmers and their sons and daughters who are BRO scholars are now card-bearing enrollees in the BRO PNB Life Insurance component, while over 5,000 small farmers have registered with the BRO-SSSM.  Some 11,572 Marginalized Farmers with combined tillage of 6,480 hectares have also availed of livelihood loans under the BRO-LAMFP.  sa BRO-Paiwi, mayroon ng 447 beneficiaries in 151 barangays in 19 municipalities have so far benefitted by receiving animals for raising or breeding.

Sa ilalim ng BRO Livelihood, ang ating pamahalaang panlalawigan ay nakapagpahiram ng mahigit 118 million pesos na halaga ng puhunan sa humigit kumulang 140,000 beneficiaries.

Sa ilalim ng programang ito ay nagpapahiram tayo ng puhunan na walang interest sa mga indigents katulad ng mga kababayan nating magbobote, mga naglalako ng isda, gulay, karne, magsosorbetes, magbabalot at iba pa, ang mga asosasyon at kooperatiba upang madagdagan pa ang kanilang pinagkakakitaan.

Katulad po ng ating ipinangako, ay dinadala natin ang kapitolyo sa mga barangay, sa pamamagitan ng pagdaraos ng FARMERS' CONGRESS sa mga iba't-ibang bayan at siyudad sa Isabela.

Sa kauna unahang pagkakataon, may programang DAGDAG KITA PARA SA MGA MAGSASAKA Caravan project. Ito ay isang sistemang itinatag ng Provincial Government para dalhin ang NFA sa mga barangay upang duon na mismo bilhin ang mga mais at palay ng ating mga magsasaka.

Dahil po dito, hindi na kailangan ng ating mga Small Farmers na gumastos pa para ilakbay ang kanilang mga produkto papunta sa Buying Centers ng NFA. 26 barangays have initially been identified to host the DAGDAG KITA Caravan. May 23 barangays pa po ang nakalista para dalawin ng Caravan.

Sa pamamagitan din ng sistemang ito ay nakatitiyak po tayo na magkakaroon ng stock ang NFA para sa mga panahon ng krisis at kalamidad. An average volume of 3,000 cavans of rice is purchased by NFA per barangay, kayat malaki ang maiaambag ng Isabela sa food security dahil dito sa Caravan.

KALINGA SA KABATAAN

Magmula noong ipinatupad natin ang ONE-COLLEGE SCHOLAR PER-FARMING FAMILY POLICY, at pinalawak natin ang Provincial Scholarship Program, mayroon na po tayong 16,000 academic and non-academic scholars na pinag-aaral sa iba’t- ibang colleges at universities dito sa Luzon.

The BRO Scholarship Program has sponsored more than 213 Million Pesos worth of tuition fees and miscellaneous expenses of non-academic and academic scholars which number an average of 14,404 students at any given semester.

Since 2010, we have allocated, almost 80 Million Pesos to fund the construction and repair of elementary and high school buildings across Isabela to complement DepEd initiatives.

Umabot po sa 300,000 elementary at high school students sa Isabela na ngayon ay nakikinabang sa mga bago at pinagawang classrooms.

KALINGANG PANGKALUSUGAN

Noong bagong - upo po tayo in- Overhaul po natin ang ating hospital system pati na ang Provincial at apat na District Hospitals.Nadagdagan ng mga medical specialists at nurses. Bumili po tayo ng mga dialysis machines. Naging triple po ang bilang ng gumagamit ng ating mga hospital, laboratory services, at nagpapakunsulta sa ating mga duktor. Buong buo na po ang tiwala ng ating mga mamamayan sa ating mga pampublikong pagamutan.

There are now 170,000 Healthcare members, including 127,000 indigents, and more than 850 thousand beneficiaries, because of the multiplier-effect of the Program.  From 2011 to 2013, almost 50 Million Pesos in provincial funds have been utilized to settle the different hospital services of Healthcare members.  Ang halagang ito kahit papaano ay nakatulong upang makatipid sa mga gastusing pangkalusugan ng pamilyang Isabeleno.

Ang isabela po ngayon ang isa sa mga probinsiyang seryoso sa pagsulong ng kampanya ng DOH laban sa Dengue Fever at tuberculosis.  Idineklara natin ang June 15 kada taon bilang Isabela Dengue Day o araw ng clean-up activities sa ating lalawigan. Dahil po sa ating agresibong kampanya, ang Isabela po ay pinagkalooban ng Regional Certificate of Recognition  for Most Outstanding Performance in Philippine Integrated Disease Surveillance and Response  noong 2012, at  NATIONAL CERTIFICATE OF RECOGNITION for Most Outstanding Performance in Vaccine Preventable Disease Surveillance noong 2013.

KALINGANG PANLIPUNAN

Sa kagustuhan po nating maisulong ang kapakanan, maprotektahan ang karapatan at matugunan ang mga paghamon sa lahat ng sanga ng ating lipunan, the Provincial Government fully implemented and professionalized the establishment and management of centers and systems that benefit our disadvantaged constituency. 

May bagong gusali po tayong naitayo na magsisilbing kanlungan para sa mga kapatid nating Persons with Disability o PWDs.  Hindi na po kailangang pumunta ng Maynila sapagkat mayroon na po tayong Orthopedic supplies shop na gagawa ng mga artipisyal na paa o binti para magamit ng ating mga kalalawigan na may kapansanan.

Naipagawa at napaganda na rin natin ang ating Senior Citizens building para mas makapagbigay tayo ng maayos na serbisyo sa ating mga mahal na lolo at lola.

Patuloy pa rin tayong umaani ng papuri dahil sa magagaling nating namamahala sa ating Model Day Care School at sa Women and Children Protection Center na ngayon ay mas kumportable’t, maluwag, malinis, ligtas at may kagamitang de kalidad.

We issued Executive Orders for the creation of a Local Child Protection Council and the Provincial Council Against Trafficking and Violence Against Women and Their Children. Tayo po sa Isabela ang may pinaka kumpleto at may pinakamatatag na mga batas at programa para bigyan ng proteksyon 24/7 ng ating mga kabataan at kababaihan. Palakpakan po natin ang ating lalawigan.

Ang ating Migrant Workers Assistance Unit ay patuloy na epektibong nakikipag ugnayan sa DFA, OWWA, at mga embahada at upisina sa ibang bansa para matiyak ang protection ng mga OFWs natin. Daan daan na po ang ating mga natulungang nakauwi, matapos po silang makaranas ng pang-aabuso sa ibang bansa.Tumutulong po tayo sa pagbibigay ng pagsasanay sa financial management at pangkabuhayan sa mga OFW na wala nang planong muling mag abroad.

KALINGANG PROTEKSYON LABAN SA KALAMIDAD

Salamat sa ating Panginoon at iniwas tayo sa maraming sakuna bagamat subok na ang ating kahandaan sa disaster, Mas alerto at gising na ang mga Isabeleno sa mga panganib at epekto ng kalamidad. Dahil dito, masisiguro natin ang kaligtasan ng bawat mamamayan, at mababawasan ang epekto nito sa ating mga kabuhayan at agrikultura.

The Provincial Government of Isabela is the first LGU to issue an Executive Order imposing a liquor ban before, during and after typhoons. We were also the first LGU to organize a CLIMATE CHANGE Summit in 2012, gathering provincial experts on the environment, weather and climate, flood control and dam operations, and agriculture, to design a new protocol during climate-related disasters and disturbances.

Bunga ng CLIMATE CHANGE summit, nagging mas mabilis at epektibo na po ang koordinasyon at komunikasyon at palitan ng mga datos ng impormasyon tuwing may bagyong darating.

Because of the Provincial Government of Isabela’s commitment to promote vigilance and public health and safety in the province,  The Disaster Action and Response Team or DART 831 that we created to serve as a 24/7 mobile emergency services unit under the Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO)  has been recognized as the BEST in Region 2.

Likewise, The Provincial Government’s aggressive stance to create a disaster-prepared and disaster-resilient constituency, the PDRRMC of the province has been awarded the Gawad Kalasag (Seal of Disaster Preparedness), - the BEST IN REGION 2 FOR TWO YEARS NOW.

Muling kinilala sa taong ito ang ating PDRRMC at nagkamit ng 99.75% na grado para sa 2014 Gawad Kalasag, ang ibig sabihin po nito ay nangingibabaw tayo sa paghahanda laban sa kalamidad.

Ipagpatuloy lang natin ang napakagandang performance ng ating PDRRMC at natitiyak po natin na hindi lamang mga karatig na prubinsya kundi buong bansa ang kikilala sa Isabela bilang MODELO ng KAHANDAAN sa panahon ng kalamidad.

Napakarami na pong natulungan at nasagip na buhay ang ating DART 831.  Saksi po ang marami sa ating mabilis at epektibong pagtugon tuwing may aksidente sa mga kakalsadahan, may pasyenteng kailangang madala sa ospital at tuwing bagyo na may mangangailangan ng saklolo.

Ilang DART TEAMS na rin ang nakarating at sumaklolo gamit ang kanilang mga modern recovery tools at water-filtering equipment sa mga nabiktima ng Bagyo sa Compostela Valley, Cagayan de Oro, at sinamahan nila ang ating mga doktor, engineers, mga department heads, at environment volunteers sa Tacloban City at Palo, Leyte para tumulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Ang LGU po ng Isabela ang may pinakamalaking delegasyong ipinadala para tumulong sa Yolanda victims.  Talaga namang, maaasahan natin ang kagitingan ng mga kawani ng ating Provincial Government at ng DART 831. Mabuhay po kayo!

Isabela is a very rich and very strong agricultural economy.  Kaya naman kailangan nating pangalagaan ang yaman natin at ihanda rin ang ating farming sector sa epekto ng Climate Change.

Isang mabisang paraan para hindi maapektuhan ang ating agrikultura ay ang Convergence Project para sa IRRIGATION.   APAT na SMALL WATER IMPOUNDING PROJECTS ang hiningi natin para isagawa ng Bureau of Soils and Water Management at ng DPWH.. sa Masaya Sur sa San Agustin, Dibuluan at Linumot sa Jones, at sa Kakiliyan, Cordon. Halos 400 farmers at kanilang pamilya ang magbebenepisyo sa 490 hectares na patutubigan ng apat na SWIP.

Magkasabay naman ang benepisyo ng patubig at kuryente sa isinasagawang Convergence HydroElectricPower Generation project sa Pasa, Ilagan City.  Sa halagang 22 Million Dollars, ito na po ang pinakamalaking GRANT ASSISTANCE sa Pilipinas ng Korean International Cooperation Agency o KOICA.  Napakahalaga ng proyektong ito na magpapatubig sa 980 hectares na sakahan at makikinabang ang daan daang pamilya sa limang barangay ng lungsod ng Ilagan.  Isa ito sa patuloy na pagpapa-unlad ng ating agrikultura.

Pinangunahan rin po natin ang pagsasagawa ng isa pang Hydropower Convergence Project ng DA, DENR, DAR, NIA at DOE.  Ito ang Ilaguen River Irrigation Project at and Tumauini River Irrigation Project.  Patubig at kuryente rin po ang layunin ng mga proyektong ito at natitiyak natin ang malaking tulong nito para sa kalusugan ng ating mga pananim at maayos na operasyon ng ating mga industriya lalo na sa panahon ng El Nino.

KALINGANG PANG-KALIKASAN at KAPAYAPAAN

Kinakalinga natin hindi lamang ang ating mga kabataan, magsasaka, may sakit, ang mga biktima ng disaster at pang-aabuso, kundi maging ang kalikasan na siyang nagpapayaman sa ating probinsya. 

Hindi po tayo tumigil magmula nang inilabas natin ang 2010 at ang bagong Executive Order na nagpapalawak sa partisipasyon ng Task Force on Environment Protection kasama ang PNP, AFP, DOJ, DENR, at mga taga pribadong sector sa pagtupad ng ating hangaring proteksyunan ang ating kagubatan. 

Patuloy po nating paninindigan ang ating ipinaglalaban na pangalagaan ang yaman ng ating kalikasan – “No Logging, No Coal Mining policy” pa rin po ang stand ng provincial government!

Masaya nating iniuulat na dahil din sa taunan nating paglabas ng Executive Order para sa obserbasyon ng Earth Hour, nakapaglikha na tayo ng kultura sa Isabela ng pagtitipid sa paggamit ng kuryente at gasolina bilang kontribusyon sa pagbawas ng carbon sa ating hangin.

Ang kalusugan ng ating kapaligiran ay karugtong ng tagumpay at pag-unlad ng ating lalawigan. Ang hangad nating bawat Isabeleno ay magkaroon ng matahimik, maayos, mapayapang lugar at magkaroon ng disenteng pamumuhay. Sa tulong ng bawat isa, sa paniniwala sa ating sariling kakayahan, kabalikat natin ang PNP na mapanatili nating ligtas at matiwasay ang apat na sulok ng ating lalawigang Isabela.

Katulad ng Executive Order Number 18 na kung ginagampanan lang natin ang ating mahahalagang tungkulin sa ating bayan hinding hindi na aabot na may mahuhuling mahigit 3,000 hindi nakarehistrong motorsiklo, at mga motorsiklong minamaneho ng mga menor de edad at walang mga drivers license. Salamat sa LTO, PNP at Liga ng mga Barangay sa matagumpay na pagpapatupad ng EO 18.

Isabela today is proud to have been a National Finalist for 3 consecutive years, in the Search for Ten Most Business- Friendly LGUs, as evaluated by the DILG and the business sector.  The political stability and sustained peace and order in the province have created a predictable business environment. Ito ang naka-akit sa mga investors na mamuhunan sa Isabela kaya napapansin natin ang pagdagsa ng mga mamumuhunan dito sa ating lalawigan nitong mga nakaraang taon. The intensified campaign to protect the province has also made Isabela one of the healthiest and safest places to live in.  Adventurous tourists are now finding the unspoiled natural environment of Isabela a challenging natural high.

Dahil sa pangarap ng bawat Isabeleno na mapanatiling matahimik at maayos ang ating lugar at sa ganda ng ugaling Isabeleno sa pag-asikaso sa ating mga investors, Hindi na nagdalawang isip at mabilis pa sa alas kwatro ang mga biglaang malalaking namumuhunan sa ating lalawigan gaya ng Puregold Supermarket, SM, Robinson’s Mall, Mart 1, SaveMore, Robinsons Supermarket, Dreamwave Hotel Chain, Mindanao Grains, Bio Ethanol at ang MSR Laboratory na ngayon ay partner na natin sa serbisyong para sa kalusugan sa Provincial Hospital.  Salamat din po sa mga local traders at businessmen ng bigas at mais dahil sa patuloy na pagsigla ng kalakalan dito sa Isabela.

Dahil din sa stable peace and order at lakas natin sa agrikultura, napakarami na pong naging interesado na maging kapartner ang Provincial Government at mamuhunan para sa produksyon ng RENEWABLE ENERGY O BIOMASS ENERGY.  Dalawampung tonelada ng raw materials ang naiipon bawat taon ng mga corn farms kaya naman sa halip na masayang lamang ay maaari itong gawing materyales sa paggawa ng Biomass Energy.

Ang una nating napiling kapartner sa biomass energy production ay ang Korean International Cooperation Agency o KOICA.  Kasama ang KOICA na magtatayo ng BIOMASS POWER PLANT na nagkakahalaga ng mahigit 84 Million US Dollars at magbibigay ng 25 Mega Watt power production. Ang 20 hectares na ipapagamit natin sa kanila ay nakapaloob sa Multi-Industry Cluster Zone natin na sumasakop sa ilang bahagi ng mga bayan ng Mallig, Quezon, Quirino, at Delfin Albano. 

Ang pangalawang kumpanya na nagpapatayo ng Renewable energy power plant sa Barangay Burgos, Alicia, Isabela, ay ang ISABELA BIOMASS ENERGY CORPORATION. 20 Megawatt power production po ang target nila, gamit ang ipa ng palay.

Ang pangatlong magpapatayo ng 12 Megawatt POWER PLANT sa Barangay Furao, Gamu, Isabela ay ang CAGAYAN BIOMASS ENERGY CORPORATION.  Gamit nila dito ang mga balat, dahon, tangkay, at iba pang mga bahagi ng mais.

These 3 BIOMASS Projects will make Isabela the pioneer in Biomass Energy production and the biggest supplier of renewable energy.  Mauuna po tayo sa lahat ng lalawigan sa bansa sa larangan ng biomass energy production. Mabuhay po ang ating lalawigan!

PAGKALINGA SA KULTURANG ISABELEÑO

Napakaganda po ng 159 years na kasaysayan at kultura ng Isabela subalit wala po ito sa pambansang kamalayan, at maliban sa ating bigas at mais, ay walang sagisag o cultural achievements sa pagkilala ng lahing Isabeleno.

The Provincial government endeavors for the new generation of Isabeleños to acquire expertise in new technologies but with a fully developed fundamental sense of heritage.  Hence, we made it a key program of the provincial government to promote the local culture and heritage. 

KAYA NAMAN PO NGAYON, IPINAGMAMALAKI NA NATIN ANG ATING LALAWIGAN SA PARAANG NARARAPAT LAMANG - ANG MAKILALA ITO BILANG BAGONG SENTRO NG AGRI KULTURA.  Sinasalamin nito ang pangunguna natin sa agrikultura at pagkakaroon ng mayamang kultura at maharlikang kasaysayan.

Sa ilalim ng ating kampanyang pagpapayaman ng kultura, ngayon po ay masasabi na nating nasa sistema na natin ang pagtaguyod ng mga Henyong Isabeleno sa larangan ng musika, sayaw, pagtatanghal, at pagpipinta.  Ito ay dahil sa taunang pagpupursigi ng Provincial Government na maidaos ang Bambanti festival.  At sa tuwing pagdaraos ng  ibinalik nating bambanti Festival ay naging laman na tayo ng mga diyaryo, telebisyon, at ng social media tulad ng facebook, at isa na ang Isabela  sa mga nakakaakit ng turista dito sa norte.

Perhaps the major effort by the Provincial Government in the cultivation of local pride is the Construction of the Queen Isabela Park, the biggest LGU-built open ampitheather - arena in the country, ... intended to accommodate activities for the promotion and development of local culture and arts, encouraging residents to enrich their artistic talents for exhibition.

Bilang suporta sa direksyong pagkalinga natin sa kulturang Isabeleno, pinalakas pa natin ang Isabela Culture and Arts Council, at ginawa nating miyembro ang isang kasapi sa National Commission on Culture and the Arts Executive Committee, at mga experto sa sining at kultura ng mga paaralan sa Isabela.  Ito ay para higit   tayong mapatnubayan sa pagtupad natin ng mandato para sa sining, at tulungan tayong tukuyin ang mga mukha ng kultura at sining na dapat bigyang atensyon.

Makakaasa po kayo na nandito po kami bilang inyong BRO na laging nakahandang maglingkod sa inyo.

*****

Napakarami na nating napagdaanang pagsubok, at marami pa rin tayong pagdadaanan sa mga darating na araw.

Tanging dalangin ko po, na lalo pa sanang tumibay at tumatag ang ating samahan.

Mangibabaw sana sa bawat puso at kaisipan natin ang positibong pananaw, ang pagsusumikap, pagmamalasakit,

pakikiramay, pagpapakumbaba, pagmamahal, paggalang, tibay, at talino … dahil iyan po ang mga likas na pagkatao at yaman ng Isabeleno. 

Harinawa’y maipagpatuloy natin ang ating magagandang layunin at sama-sama nating tahakin ang panibagong bukas para sa mas masaya, mas masigla, at mas nagkakaisang maunlad na lalawigang Isabela.

Maraming salamat at Mabuhay po ang Isabela!!

GOD BLESS ISABELA!!!!                                                        ***end